top of page
Diaspora-NaS

ANIBERSARYO NG KRISTIYANISMO


Ipinagdiwang sa St Peter’s Basilica sa Roma ang ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Si PAPA FRANCESCO ang nagselebra ng Banal na Misa kasama si CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE at ang iba pang mga kinatawan ng mananampalatayang Pilipino.

Hinikayat ni Papa Francesco ang komunidad ng mga Pilipino na ‘magsikhay sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Dios’. Inilarawan din niya na ang pananalig ng mga Pilipino ay may taglay na hinahon at katatagan.

Naganap ang kauna-unahang misa noong Marso 31,1521, noon ay Linggo ng Pagkabuhay. Pinangunahan ito ng paring si Pedro de Valderama. Naulat ito sa kasaysayan bilang unang misa sa Limasawa.

Ang selebrasyon sa Vatican ay nilahukan din ng presentasyon ng kulturang Pilipino, bagay na higit na nagpatampok sa pagiging malikhain at pagkakaroon ng matibay na pananampalataya ng mga Pilipino.


4 views0 comments

Comments


bottom of page