top of page
Writer's picturediasporanas

PAGBISITA SA MODENA NI OWWA ADMIN ARNEL IGNACIO

Ulat ni: ALDREN ORTEGA







Binisita ni OWWA Administrator Arnaldo “Arnel” Ignacio ang mga Pilipino sa Modena nitong ika-30 ng Oktobre, 2022 sa Modena Eagles Nest, Via Canaletto Sud 88, Modena, Italy. Ang meet and greet event na ito ay inorganisa ng POLO Milan at OWWA sa pakikipagtulungan ng Federazione delle Associazioni Filippini di Modena na pinangungunahan ni Pangulong Dennis Ilagan. Ito ay ay dinaluhan din nina POLO Milan Labor Attaché Maria Corina Padilla-Buñag, OWWA Welfare Officer-Milan Petrona Bergado at Welfare Officer-Rome Norlita Lugtu at iba pang staff ng POLO-OWWA.







Sa panimula ng talumpati ni Admin Ignacio, ikinuwento niya kung paano siya napili bilang OWWA Administrator. Naging buod din ng kanyang mensahe ang pagkakaiba-iba ng mga pangangailangan ng iba’t ibang bansa na mayroong OFW lalo na at nakapaloob są kaibahang ito ang mga usaping legal at kultural. Para kay Admin Ignacio, kumpara sa mga Pilipinong nasa Middle East, di hamak na nasa mas maayos na katayuan ang mga nasa Italya. Gayon pa man, hindi ito nangangahulugan na hindi na dapat bigyang-pansin ang mga pangangailangan ng mga Pilipinong nakatira dito. Sinabi ni Admin Ignacio na handa siyang makinig at nauunawaan niya ang kalagayan ng mga OFW pero hiniling din niya na unawain ang mga opisyal at lingkod-bayan sa ilalim ng ahensya ng OWWA. Ipinaliwanag niya sa kanyang talumpati ang dedikasyon ng mga empleyado ng OWWA sa kanilang mga gawain.




Layon ng administrador na magkaroon ng matibay na komunikasyon at ugnayan ang ahensya at ang mga komunidad na Pilipino para mas maging maayos ang serbisyo. Ibinida rin ni Admin Ignacio ang mga proyekto na nais niyang simulan gaya ng Ninong at Ninong kung saan hinihikayat ang mga OFW na nasa maayos nang kalagayan na makipagbayanihan at tumulong sa mga kapwa OFW sa ibang lugar na nasa hindi maayos na sitwasyon. Kasama rin sa proyekto niya ay ang pagpapalawig ng information drive na parang sa Barangay level upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino sa buhay ng mga OFW. Isa rin sa mga proyekto na nais niyang simulan ay ang menstrual equity kung saan bibigyang-pansin ang mga anak na babae na ang ina ay OFW.




Pagkatapos magsalita ni Admin Ignacio ay nagpasalamat si Pres. Dennis Ilagan sa pagbibigay nito ng oras para mabisita ang Modena. Pinasalamatan din ng pangulo ng Fedafilmo ang mga grupo at asosasyon na nakiisa sa pagtitipon at inihatid kay OWWA Admin Arnel Ignacio ang kahilingan ng nakararami na sana ay makapagtuloy ng pagiging OWWA member ang mga wala nang kontrata ng trabaho. Sinagot naman agad ito ni Admin Ignacio at sinabing hindi niya planong pahirapin ang proseso at pagbalik niya ng Pilipinas ay gagawin ng ahensya na basta may prueba na nagtatrabaho o pinanghahawakan na may trabaho ay maaaring magmiyembro sa OWWA.


Marami pa sana ang ibig magtanong sa administrador subalit di na napaunlakan dahil sa may kasunod pa itong appointment sa Milan.



Nagsidalo din ang mga opisyales at miyembro ng iba’t ibang organisasyon:


FEDAFILMO Founder Sir Capitan Dionisio Adarlo

Mabini Hometown Association of Modena President Aldren Ortega

Knights of Rizal Italy Sir Carlos Mercado Simbillo

Kababaihang Rizalista Modena Chapter Lady Phening Bantugon Arasula

Lahing Sta. Mesa President Ryan Ortega

Annak ti Amianan/MVLA Jane Caoile Abiva

Confederation of Filipino Community of Tuscany Pres. Pabs Alvarez

ERAFILCOM

Filippino Association in Ferrara - Elma Baraero Sahagun

Circle of Friends President Fely Caduyac

Black Panther

Modena Italy Eagles Club and Lady Eagles Club -Arvin Anoyo

Modena Italy Royal Eagles Club and Lady Eagles Club- Eddie C. Datinguinoo

EL SHADDAI





82 views0 comments

Comentarios


bottom of page