top of page
Writer's picturediasporanas

Pinakikilala: BAGONG PAMUNUAN NG MABINIANS

Ulat ni: ALDREN ORTEGA


Umarangkada na ang bagong pamunuan ng Mabini Hometown Association of Modena. Nitong ika-16 ng Hulyo 2022, sa Sala Spontini, Via Spontini n.4 Modena ginanap ang unang executive meeting na pinangunahan ng bagong Presidente ng asosasyon na si Pangulong Aldren Ortega. Si Ortega ang pinakabatang pangulo sa edad na 32 at hahawak ng grupo ng Mabinians sa Modena, matapos ang tatlong taong panunungkulan ni Pres. Gerry Adarlo na na-extend ng isa pang taon dahil sa pandemya. Kilala si Aldren sa pagiging advocate ng mga kabataan.


Pinagtibay sa pagpupulong ng Mabinians-Modena ang pagiging quasi-religious quasi civic ng grupo kaya naman sa tatlong taong pamumuno, hangarin na mapalalim pa ang debosyon sa patron na si San Francisco de Paola. Tinalakay ang pagkakaroon ng buwanang pagdarasal sa pintakasi sa mismong simbahan sa Modena kung saan nanirahan ang orden ng Patron. Tiniyak rin na magtutuloy tuloy ang mga palaro, isang winter league at isang summer league. Hiniling naman ng pangulo sa Outreach and Foreign Affairs Committee na magkaroon ng dalawang beses isang taon na pilgrimage o field trips sa ibang bayan at makabalik sa Paola, Consenza sa bayan kung saan nakalagak ang mga labi ni San Francisco De Paola. Ang O.F.A. din ang naka-assign para maging opisyal na representante ng grupo sa pagharap sa iba pang mga grupo na labas sa formal affairs sa loob ng Mabinians. Sa bagong tatag naman na Mabinians Education and Social Development, pagtitibayin ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga miyembro partikular sa kanilang kalagayan sa Modena at Italya. Adhikain ng komite na makapag-imbita ng mga propesyonal na makakatulong para magbigay ng seminars at formations sa Mabinians. Magkakaroon din ng orientation sa mga bagong papasok na miyembro. Higit pang makakatulong ang Mabinians sa mga miyembro dahil sa bagong komite na itinatag, ang Pusong Mabini Assistance and Support Desk kung saan layunin na mapag-ukulan ng pansin ang mga pangangailangan ng mga kasapi. Magiging parte naman ng tungkulin ng Mabinians Events and Cultural Affairs ang Tourism Drive kung saan sa bawat events na kanilang gagawin, laging kasama ang pagpapakilala sa mga magagandang lugar sa Mabini at Pilipinas.





Narito ang mga opisyales na makakasama ni Pangulong Aldren Ortega:


· Vice President: Sheila Ortega

· Secretary: Maureen Albania

· Treasurer: Cynthia Castillo

· Auditors: Marcial Magtibay, Analie Arasula

· P.R.O. : Myla Duenas

· Peace and Security Officer: Arvin Anoyo

· St. Francis Of Paola Patron Committee: Headed by: Laurence Atienza & Sincere Arasula, Members: Lucy Austria, Norma Austria, Teody Mendoza, Angel Evangelista Efren de Ocampo, Lia Mendoza

· Sports Committee: John Ridge Corona, Ryan Jay Ortega, Choy Maramot

· MECA (Mabinians Event and Cultural Affairs): Chairman Marlon Bantugon Members: Winnie Crisostomo, Arlene Ortega, Mayeth Abratique

· MESD (Mabinians Education and Social Development: under the President, Member: Amie Casapao Abiad

· Pusong Mabini Assistance and Support Desk: Chairman Gina Erilla Ilagan Member: Joyce Mari Degrano

· Outreach and Foreign Affairs: Phening Arasula, Glendalyn Ortega

· Kabatang Mabinians Chairman: Edmar Mendoza

· Toolkeeper: Amante Arasula

· Board of Director Chairman: Ian Atienza,

· Advisers: Mga dating Pangulo at dating Bise Pangulo ng Asosasyon na aktibong miyembro.

· Board of Directors: All Brgy. Leaders and Advisers


Sa Executive Order n°1 na inilabas ni Ortega, maari siyang magdagdag ng opisyales kung kinakailangan. Mananatili namang independent sa pagpili ng officers ang Electoral Tribunal (ComElec) at mga Brgy. Leaders.


Sampung taon nang nakatatag ng Mabini Hometown Association of Modena at ngayon ay lumalakad patungo sa panglabing-isang taon.


Ang bagong pamunuang ito ay sagisag na ang kabataan ay hindi lang pag-asa ng bayan kundi, kabataan, KAILANGAN KA NA NGAYON NG BAYAN.


St. Francis of Paola, pray for us!

70 views0 comments

Comments


bottom of page