top of page
  • Writer's picturediasporanas

ANIBERSARYO NG RBGPII-PIS

RBGPII-PIS, NAGDIWANG NG IKA-5 TAONG ANIBERSARYO SA FIRENZE

Ni: JOAN LEYMA



Sa kabila ng hinaharap na pandemya ay maayos pa ring naidaos ang pagdiriwang ng ika-5 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Radical Brotherhood GUARDIANS Philippines International Incorporated o RBGPII-PIS. Ang pagdiriwang ay ginanap noong nakaraang linggo, ika-19 ng Setyembre, 2021, sa Circolo 25 Aprile sa Lungsod ng Firenze. Bakas sa mukha ng bawat isa ang galak at saya dahil nagkasama-samang muli ang magkakapatid sa balikat matapos ang mahaba-habang lockdown sa bansa.


Nakiisa sa kaganapan ang mga miyembro mula sa tsapter ng Mantova, Firenze, at Roma sa pamumuno ni Judito “Pcgs Angel” Estopacia.


Nagkaroon ng ilang sandali na katahimikan at kasabay ng panalangin ay ang pagbibigay-puri sa yumaong Ama ng GUARDIANS na si Leborio “BFG Abraham” Jangao Jr. Nagbigay ng kanilang mahalagang mensahe sa lahat ng mga kasapi sina Pcgs Angel, Cgmf Cel, GMF Kris, MF Pardo, MF Lawin, NF Lito, at NF Ivan. Ang mga bagong halal na mga opisyales ay sabay-sabay na nanumpa sa harap ni PCGS Angel, yakap ang mga katungkulan sa kapatiran.


Ang naihalal na bagong pangulo ay si SRMG Ekim. Masaya ang naging selebrasyon kahit na limitado ang mga panauhin dahil sa pagpapatupad pa rin ng mga covid protocols. Hindi lalampas sa animnapung katao ang pinapayagan sa loob ng nabanggit na circolo. Nagkaroon ng sayawan, kantahan, at raffle bonanza. Sa araw ding iyon ay ipinagdiwang ang kaarawan ng dalawang miyembro na sina Sis Lou at Sis Marie. Naghiwa-hiwalay ang lahat na puno ng galak ang mga puso at handang haraping muli ang mga darating na araw patungo sa ika-anim na anibersaryo. Sa paglalakbay na ito ay dala-dala nila ang layuning maisakatuparan ang mga adhikain sa tulong ng Maykapal.



110 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page