top of page
  • Writer's picturediasporanas

Babysitter na Pinay sa Bologna, Nasawi sa Pagkalunod?

Ulat ng Diaspora News and Stories


Isang Pilipinang babysitter, edad singkwenta, ang nasawi sa Bologna, makalipas ang ilang oras na ito ay matagpuang walang -malay sa isang swimming pool sa loob ng hardin ng isang villa. Kasama niya ang inaalagaang dalawang taong gulang na batang babae. Ayon sa ilang mga nakasaksi, natagpuan ang dalawa na nasa ilalim na ng pool. Hindi pa malinaw kung sila ba ay bumagsak sa pool habang naglalaro o ang batang babae ay nahulog sa pool at tinangkang mailigtas ng babysitter. Ito ay naganap nitong umaga ng ika-30 ng Hunyo, 2022.


Ang pool ay nasa loob ng villa na pag-aari ng lolo at lola ng bata. Naitawag naman kaagad sa 118 emergency ng ibang kasambahay at nadala agad sa hospital ang dalawa. Nguni't makalipas ang ilang oras ay binawian ng buhay ang tagapag-alaga. Ang bata naman ay kasalukuyang nasa intensive care unit ng Sant' Orsola Hospital at hindi pa maayos ang kalagayan.


Ang pulisiya ay nagsasagawa pa ng mga imbestigasyon upang matukoy ang tunay na nangyari sa dalawa.


Ang mga kababayan ay nagpapaabot ng pakikiramay sa mga kaanak ng nasawi , kasabay ang panalangin na sana ay makaligtas ang bata.




1,808 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page