top of page
Writer's picturediasporanas

FEDAFILMO, PATULOY SA ADBOKASIYA

Ulat ni ALDREN ORTEGA:



FEDAFILMO, PINAGTIBAY ANG PAGTULONG SA MGA PINOY SA MODENA. UPDATES BUHAT SA GOBYERNONG ITALYA, PINAG-USAPAN


Nagtipon-tipon para sa isang pagpupulong ang mga opisyales ng Federazione delle Associazioni Filippine di Modena o FEDAFILMO sa kanilang tanggapan sa Via Spontini 4, Modena noong Linggo, June 27, 2021.


Paksa ng pagpupulong ang mga usapin kung paano higit na makakapagbigay tulong sa mga Pilipino sa Modena. Pinagtibay ng samahan na lahat ng mga Pinoy sa buong Modena ay itinuturing na kasapi at handang tugunan ang mga pangangailangan nito. Gayon pa man, patuloy ang paghikayat ng Pederasyon na mag fill-up ng assistance form ang mga mamamayan upang mas mapabilis ang pagbibigay ng tulong gayong kumpleto-detalye ang isasaad sa nasabing form.


Ang form ay maaring hingin sa mga sekretarya ng FEDAFILMO na sina Bb. Glendalyn Ortega at Gng. Joyce Evangelista Degrano.


Napag-usapan din ang mga pagbabago na magaganap sa Rehiyon ng Emilia Romagna. Ayon nga sa ordinansa ng Ministro della Salute nitong June 22, 2021, maari nang lumabas na hindi suot ang face mask simula June 28, 2021 maliban na lamang kung hindi kayang mapanatili ang distance o kaya ay kung may kumpulan ng mga tao. Kaya patuloy pa rin ang paalala na magdala ng face mask.


Binigyang-diin din sa pagpupulong na maari na ring magpunta sa ibang bayan lalo na kung nasa white or yellow labeled zone ito. Pero tiyakin na nakahanda ang green pass kung sakali mang tanungin ito ng mga kinauukulan. (Para sa ilang impormasyon para sa green pass maaring magpunta sa https://www.dgc.gov.it/web/ )


Tungkol naman sa mga handaan, civic man o religious, ito ay pinahihintulutan na rin pero sikaping handa ang green pass kung sakali mang ito ay tanungin at hanapin.


Ang mga palaro naman ay kinakailangang sumunod sa National Guidelines (Ref. Decreto Legge 22 Aprile 2021 n. 52)



Sa huli, patuloy ang pag-oorganisa ng samahan para sa nalalapit na oath taking ceremony ng mga new officers. Para sa higit pang detalye ukol dito, patuloy na antabayan sa kanilang facebook account “Federazione Filippine Modena”.



At para sa higit pang impormasyon para sa mga update sa Emilia Romagna maaring magtungo sa https://www.regione.emilia-romagna.it/






108 views0 comments

Comments


bottom of page