Pinoy, Sinaklolohan ang Isang Ginang sa Gitna ng Rumaragasang Tubig-Baha.
Ulat ni: Rhoderick Ramos-Ople
Iniligtas sa kapahamakan ni Celestino Floralde, Jr, Ingat yaman ng Filipino Community of Catania , ang isang ginang habang nasa gitna ng malakas na ulan at baha sa Via Etnea.
Isang netizen ang nag-upload ng video sa FB na nagpapakita na tila hindi makapagdesisyon ang isang ginang kung ano ang gagawin matapos bumaba sa kanyang kotse. Makikita sa video na nasalalak sa isang malaking posteng bato ang kanyang sinasakyan.
Ayon naman kay Ms. Leni Vallejo, Presidente ng FCC sa Catania, “Kahapon pa malakas ang ulan sa Catania. Kanselado ang klase sa mga paaralan. May mga supermarket, restaurant, bar, at mga opisina ang nagsara dahil sa tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan”.
Maraming Pilipino ang na-stranded sa kani-kanilang mga pinagtatrabahuhan. Mayroon din na naglakad ng dalawang oras sa baha habang walang tigil ang ulan, upang makahanap ng madadaanan. Maraming sasakyan ang nalub
og sa gitna ng daan. Wala namang Pilipino ang nasugatan sa dalawang araw na delubyo. Samantalang may isang residente naman ang namatay.
Naglabas din ng kalatas ang pamahalaang lokal na maaaring magpatuloy pa ang masamang panahon sa Huwebes at Biyernes.
Mga kuha mula sa video ng isang netizen.
Comments