Diaspora News and Stories
MIGRANTE-BOLOGNA, NAKIISA SA IBA PANG MIGRANTE SA PROGRAMA NG MAYO UNO
Nitong unang araw ng Mayo, naglunsad ang mga migrante sa probinsiya ng Bologna, ng isang programa kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa. Dumalo dito ang Migrante-Bologna kasama ang Ka-Rosas ni Leni , upang magpahayag ng kanilang suporta sa mga usaping magsusulong sa mga karapatan ng mga manggagawa gaya ng pagtaas ng sweldo, kaligtasan sa lugar ng trabaho, diskriminasyon at pati na rin ang panawagan sa kapayapaan.
Si RHODNEY PASION, ang kasalukuyang kalihim ng Migrante Europa, ang bumasa ng Solidarity message , at lubos na ikinalugod ng mga naroon ang pakikiisa ng komunidad ng mga Pilipino sa adhikain.
Binanggit din niya ang papel ng mga kapitalista na siyang nagdidikta ng pagbaba ng sahod ng mga manggagawa at tumututok sa pagpopondo sa pagsusulong ng digmaan ng mga bansa.
Nagsidalo at nagsalita din ang iba’t ibang pinuno ng labor groups sa Bologna at nagkaisa sa panawagan na sa halip na tumutok sa giyera ay paigtingin ang pakikipaglaban para sa karapatan at kagalingan ng mga manggagawa.
Comments