top of page
Writer's picturediasporanas

OFW WATCH ITALY REGGIO CALABRIA CHAPTER, ITINATAG

Mga Bagong Opisyal ng OFW WATCH REGGIO CALABRIA Chapter, Nanumpa sa Tungkulin

Ni: Josephine Valmores




Nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga nahalal na opisyal para pamunuan ang bagong tatag na OFW WATCH REGGIO CALABRIA noong Linggo Oktubre 17, 2021. Ito ay ginanap sa Sakura Ristorante di Sushi sa Viale Calabria, Reggio Calabria, Italya, na dinaluhan ng humigit-kumulang sa 40 katao. Ito ay pinangunahan ng kanilang bagong pangulo na si Ginoong Roberto Flores, na kasalukuyan ding pangulo ng OFW WATCH CALABRIA Chapter na isang Regional Alliance ng OFW WATCH Italy, na kinaaaniban din ng mga organisasyon mula sa siyudad ng Cosenza, Catanzaro at iba pa.

Ang programa ay sinimulan sa takdang oras, ng mga tagapagpakilalang sina Yanny Castro at Michelle Vidad-Bumagat. Ang tema ay, “Buhayin ang diwa ng bayanihan. Palakasin ang hanay ng mga OfW, para sa kagalingan, pangkarapatan at proteksyon.” Ang palatuntunan ay binuksan sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ni Gng. Jemima Vidal at sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas at Italya.





Ang pambungad na mensahe ay mula sa tagapayo na si Gng. Jemima Vidal na naglahad kung paano nagsimula ang OFW Watch Italy at ang mga kahalagahan nito para sa mga kababayang OFW. Ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal ng Ofw Watch Reggio Calabria Chapter ay pinangunahan ng panauhing pandangal na si Gng. Carmelita Bauzon. Ipinakilala ng pangkalahatang-kalihim na si Josephine Valmores si Gng. Mel Bauzon bilang isa rin sa mga tagapayo ng OFW Watch Calabria para sa pagpapahayag nito ng inspirasyonal na mensahe. Ibinahagi nito sa kanyang mensahe ang mga nagawa na ng OFW Watch Italy sa mga kababayan.




Ang pangalawang bahagi ng programa ay ang pagkakaroon ng General Assembly na pinamahalaan ng Vice President for Women's Affair na si Ginang Zenaida Galleta na nagsabi kung ano aasahan ng mga kababaihan sa OFW Watch Reggio Calabria. Ang sumunod na nagsalita ay ang Pangulo ng OFW Watch Reggio Calabria na si Ginoong Roberto Flores, para sa kanyang President’s Report. Bago ang kanyang talumpati ay humingi sya ng isang minutong katahimikan para ialay sa kanyang malapit na kaibigan na sumakabilang buhay kamakailan lamang na si Manang Corazon Riel, na siya ring naihalal noong isang taon bilang kalihim ng OFW Watch Calabria. Naglatag din siya ng plano, plataporma at mga programang papakinabangan ng ating mga kababayang OFW. Ang pagkakaroon ng membership fee ay kanyang ipinaliwanag kung saan mapupunta, dahil napakahalaga na malaman ng mga kasapi kung paano pinapatakbo nang maayos ang samahan.


Ang unang programa na kanyang iminungkahi ay ang Saranay o Mortuary Benefits Program, na magbibigay tulong-pinansyal sa mga naulila ng mga yumaong kasapi. Ang tanging pakiusap at laging sinasambit ay maging makatotohanan sa lahat ng gawain para sa ikabubuti ng lahat. Ang posisyon ay hindi para magpasikat, magmataas kundi para maging tamang ehemplo para sa lahat. Inaalay nya ang kanyang pamumuno para sa mga susunod na henerasyon na syang inaasahang maging lider sa mga susunod na panahon. Ang adhikain na tanging hangad ay maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng Ofw.


Ang programa ay nagtapos sa isang mensahe mula kay Vice-President for Internal Affairs Arnel Castro. Inaasahan ng mga dumalo, ang makabago at kakaibang pamunuan at sana ay matamasa ang mga benepisyo na inasaahan mula sa mga samahang katulad ng OFW WATCH REGGIO CALABRIA.

Mabuhay ang OWATCHERS ng Reggio Calabria Chapter. God bless and more .

ANG PAMUNUAN

PRESIDENT: Robert Flores

VICE PRESIDENT for INTERNAL AFFAIRS: Arnel Castro

VICE PRESIDENT for External AFFAIRS :Boyet Castillo

VICE PRESIDENT FOR WOMEN'S AFFAIRS : Zenaida Galleta Acosta

SECRETARY : Josephine Valmores

ASST. SECRETARY: Yanny Castro

AUDITOR (s) : Nene Perlawan

Lucila Zorsa

TREASURER: Hilda Peralta

ASST. TREASURER : Cory Magnaye Cuya

PRO (s) : Michelle Vidad

Lawrence Renchie Inovejas

VP FOR YOUTH: Irish Carle

ADVISER: MRS. Jemima Vidal








288 views0 comments

Comentarios


bottom of page