ONE BILLION RISING MOVEMENT THEME 2022:
RISE FOR BODIES OF ALL WOMEN,GIRLS AND THE EARTH
Ni: Dittz Centeno-De Jesus
EVE ENSLER, Founder of V-DAY and OBR
Ang ONE BILLION RISING ang pinakamalaki at pinakamalawak na sama-samang pagkilos upang matigil na ang karahasan laban sa mga kababaihan. Ang kampanya, na inilunsad noong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2012, ay itinatag ni EVE ENSLER, isang playwright, manunulat at aktibistang Amerikana na noong bata ay naging biktima din ng karahasan sa kamay ng kaanak, Ito ang naging panawagan base sa tumataas na antas , na isa sa tatlong kababaihan sa buong mundo ay nasasaktan o napagsasamantalahan. Sa kabuuang populasyon sa buong mundo na abot sa 7 bilyon, halos isang bilyong kababaihan at batang babae ang biktima.
FILIPINO WOMEN'S LEAGUE with Sartoria di Fashionista Filippina, Bologna
Tuwing Pebrero, tayo ay bumabangon, upang ipakita sa mga komunidad at sa buong mundo kung paanong ang isang bilyong babae ang magsisilbing liwanag sa malaganap na kawalan ng katarungan na dinadanas ng mga nagiging biktima. Bumabangon tayo upang sa pamamagitan ng isang sayaw ay maipahatid ang mensahe na di tayo magugupo ng anumang uri ng karahasan. Bumabangon tayo upang ipakita kung gaano tayo kadeterminado na lumikha ng isang uri ng kamalayan – na ang karahasan ay maigugupo at mapagtatagumpayan, hanggang sa sitwasyong wala nang babaeng masasaktan.
Ang mga kababaihang Pilipina ay kabahagi rin ng pagkilos na ito at batid natin na marami na ang namumulat at nagsisimulang bumangon mula sa kinasadlakang sitwasyon ng pananakit, pag-aalimura at pagsasamantala. Kaakibat nila ang mga organisasyong nakatutok sa Karapatan at Kagalingan ng mga Kababaihan. Dalawa na rito ang GABRIELA-Rome at ang Filipino Women's League sa Bologna. Sa bahagi ng GABRIELA-ROME, nagsayaw sila sa saliw ng Tagalog version ng OBR Theme song, sa may Santa Pudenziana, Via Urbana, Roma, matapos ang misa ng Araw ng Pagmamahal sa Bayan at Maykapal at 150 taon ng GOMBURZA, sa Santa Maria Maggiore.
GABRIELA -Rome One Billion Rising
ONE BILLION RISING- Bologna
Samantalang sa Bologna naman, naidaos din ng ilang opisyal ng FILIPINO WOMEN'S LEAGUE, kasama ang iba pang kababaihan, ang kanilang pagsayaw sa loob ng locale ng Centro delle Donne, kung saan sila ay nagsasagawa ng kanilang basic sewing workshop. Taon-taon ay kasama sila sa malaking evento na ito sa Bologna at nahinto lamang noong isang taon na kasagsagan ng pandemya ng Covid19. A ng English version naman ng OBR Theme song ang kanilang ginamit, na may titulong Break the Chain. Bagama't di na nakasama ang mga dating kalahok noong mga nakaraang taon, ay patuloy pa rin naman silang sumusuporta sa hangarin ng OBR.
Kaya sa tuwing araw ng mga PUSO, Pebrero 14…..hindi lamang PAG-IBIG ang ating pagtuunan at paglaanan ng panahon at dedikasyon, kundi pati ang sama-samang pagkilos upang matigil na ang KARAHASAN LABAN SA MGA KABABAIHAN.
Mga Larawan:
Mula sa Gabriela Rome at FWL Bologna
Comments