top of page
Diaspora-NaS

PAG-AAKLAS NG MGA MANGGAGAWA


Humihingi ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office sa Roma ang 16 na manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa Azienda Agricola P,lli Giardina Di S. RE E Silvio Giardina S.S.

Ayon sa mga manggagawa, madalas atrasado ang pasahod, dinadaya di umano ang kwenta ng sweldo, walang day-off at kung lumiban ay sususpindihin agad. Wala din daw gamit na safety gears at delikado ang mga dinadaanan. Sa katunayan, tatlong aksidente na ang nangyari sa lugar kung saan sila nagtatrabaho.

Hanggang sa kasalukuyan ay tuloy ang pakikipaglaban ng mga mnggagawa bagama’t ang lima sa kanila ay umurong na. Nagsampa na rin sila ng kaso laban sa may-ari ng asyenda. Nang makausap ng pangulo ng Ofw Watch Sicily na si Orlando Sebastian, ang dalawang pinuno ng pag-aaklas, napag-alaman na naghahanap ng interpreter ang kanilang abogado na si Avvocato Scandura.

Lumapit sila sa Honorary Consulate ng Pilipinas sa Sicily bago ang hearing nitong Pebrero 2021. Ngunit ayon sa huling ulat ay wala pa ring nakukuhang tagapagsalin para sa mga Pilipinong nagsipag-aklas.


9 views0 comments

Comments


bottom of page