top of page
Writer's picturediasporanas

PENSO A TE NAGLUNSAD NG WORKSHOP SA PADOVA

PENSO A TE, NAGSAGAWA NG TEAM BUILDING WORKSHOP PARA SA MGA LIDER-PILIPINO SA PADOVA

Ulat ni Dittz Centeno-De Jesus

"Kooperasyon at Koordinasyon: Susi sa Tagumpay ng Organisasyon"






Nitong ika- 5 ng Hunyo, 2022, ang PENSO A TE APS, isang non-government organization na nagtuturo ng financial literacy and management sa Filipino community at nakabase sa Reggio Emilia, ay nagbigay ng isang Team Building one-day workshop sa AFWNI (Association of Filipino Workers in Northern Italy) kung saan miyembro ang ADF (Associazione Donne Filippine Padova), UFAP ( United Filipino Association of Padova), SFSU (Samahang Filipino sa Udine) , ACF di Vicenza , PARDSS-Veneto, Filipino Association in Bassano del Grappa at Filipino Community di Pordinone.


Ang nakipag-ugnayan sa PENSO A TE ay si Cecilia Silva, presidente ng AFWNI at ng ADF, dahil sa pangangailangan ng pagkakaroon ng positibong kooperasyon at koordinasyon sa naging aktibo muling asosasyon sa Northern Italy. Kanyang itinalaga si Shane Vergara, pangulo ng PARDSS, upang maging tagapamahala sa one-day seminar-workshop na ito. Naging katuwang din sa pag-aasikaso ang UPAF sa pamumuno ni Tadeo Averion.

Kanilang hinikayat ang mga FiLCOM leaders mula sa mga probinsiyang miyembro ng AFWNI, gaya ng Udine, Pordinone, Brescia, Padova, Bassano del Grappa, Veneto at Vicenza. Dumalo din ang 5 lider mula sa Bologna at Genova na bahagi rin ng Penso a Te.



Sa simula ng programa, si Manuela Prandini, ang presidente ng PENSO A TE, ang nagbigay ng introduksiyon ukol sa gawain ng PENSO A TE, na pagtulong sa mga kababaihan na matutong maisaayos ang kanilang pinansiyal na aspeto. Matapos ito ay kanyang ipinakilala ang iba pang bahagi ng APS na ito, gaya nila Nonieta Adena, bise-presidente; Pier Paolo Ficarelli, kalihim, Dittz De Jesus, Cris Zaldivar at Suzane Biglete, mga trainors.


Ang seminar-workshop ay binubuo ng mga small activities gaya ng pagkakakila-kilala ng bawat isa, paghahati-hati ayon sa rehiyong kinaroroonan sa Pilipinas, sitwasyong pinagdaanan sa kanilang migrasyon, at iba pa.


Nagkaroon din ng panayam sa bawat lider ng mga organisasyon ukol sa estado ng kanilang grupo at ang naitutulong nila sa komunidad at kung paano pa makakapagbigay ng mas positibong tugon sa mga pangangailangan ng mga kababayan.




Ang mga bahaging nagustuhan ng nakararami ay ang mga group tasks kung saan ay may mga aksiyon na gagawin nang magkakasama at gagawin ang mga aktibidad upang maaabot ang sagot sa mga layunin.


Ang workhop ay nagsimula sa ganap na ika-siyam ng umaga at nagtapos ng ika-apat ng hapon. Masiglang nagsiuwi ang mga partisipante at umaasa ang Penso A te Group na ibabahagi nila ang kanilang mga natutuhan sa kanilang mga miyembro upang mapaunlad ang kanilang asosasyon at mabigyan ng inspirasyon ang mga ito upang makiisa, sumuporta at maging masiglang miyembro ng kanilang komunidad.


81 views0 comments

Comments


bottom of page