top of page
  • Writer's picturediasporanas

PIAZZA NETTUNO SA BOLOGNA, LUGAR NG PAGBABAKUNA


PAGBABAKUNA NANG WALANG PRENOTASYON, ISINASAGAWA SA BOLOGNA


Ni: Dittz Centeno-De Jesus


Ang pagbabakuna nang walang prenotasyon ay kasalukuyang isinasagawa na rin sa Piazza Nettuno sa Bologna. Ang mga kabataan mula sa edad na 12 , mga turista, pati na rin ang mga noon lamang nagpasiya, ay maaaring pumila na sa vaccination site dahil naroon ang AUSL Camper mula ika-6 ng umaga hanggang ika-10 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes at mula ika-9 ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali at mula ika-3 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi tuwing Sabado at Linggo. Ito ay hanggang sa ika-10 ng Setyembre, 2021.


Maaari ding dito magpabakuna para sa ikalawang dose , at punto din ito ng impormasyon at maaari din para sa prenotasyon sa CUP.


Ayon kay PAOLO BORDON, ang director-general ng AUSL sa Bologna, ang kanilang layunin ay makapagbakuna ng hanggang sa 200 katao sa bawat araw. Paliwanag pa niya, ang impeksiyon ay mabilis na kumakalat sa populasyong hindi nabakunahan. Kaya patuloy sila sa pagpapalaganap ng mga tamang impormasyon ukol sa pagbabakuna.




17 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page