top of page
Writer's picturediasporanas

SCAM SA ONLINE RCA, PINOY NABIKTIMA

Scam sa online RCA (responsabilità civile auto) , Isang Pinoy Nabiktima


Ulat ni: Rhoderick Ople




Isang kababayan natin sa Modena ang nagbabala ukol sa “ Assicurazione on-line truffa”, na isinaad niya sa kanyang slockial media public post.


Tulad ng marami na gustong makatipid, sinubukan ni “ Juan dela Cruz” ( di tunay na pangalan) na mag-aplay on-line para sa kanyang microcar. Kagyat siyang na-engganyo dahil kalahati agad ang maibabawas sa halagang babayaran. Kilala ang kompanya na naka-front sa on-line site na kanyang pinasok, samakatwid ito ay pinagtiwalaan niya.




Siya ay nagbayad ng lumitaw na halaga mula sa sinagutan na aplikasyon. Buong kapanatagan na ginamit at umiikot ang kanyang sasakyan ng halos isang taon sa siyudad.


Nitong Biyernes ay nakatanggap siya ng tawag sa Carabinieri at siya’y inimbistigahan kaugnay ng kanyang pinasok na Car Insurance. Lumabas sa pag-aaral ng awtoridad na siya ay naging biktima ng “truffa” o on-line scam.


Laking pasasalamat ni Juan dela Cruz at hindi sa check point nangyari ang pag-tsetsek sa kanyang pinasok na Assicurazione. Kung nagkataon, multa ng halos isang libong euro at pagkumpiska sa kanyang sasakyan ang kahihinatnan.




Mabuti rin at di siya pinagmulta ng Carabinieri bagkus ay hiningi lamang sa kanya ang kanilang konbersyon ng insurance sa E-mail, Messenger at Telepono.


Nagpaalala siya sa mga kapwa -OFW sa Italya na maging maingat at kung may duda sa kanilang pinasok na on-line car insurance ay maaari nila itong ipabusisi sa kapulisan. Bago masita sa daan at mabulaga na sila ay naging biktima na pala ng panloloko..



215 views0 comments

Comments


bottom of page