Tinalakay sa isang webinar ng Task Force Covid19 ng OFW WATCH Italy ang ukol sa Virus at ang bakuna para sa prebensiyon ng impeksiyon. Naging panauhing tagapagsalita si Dottoressa Anna Rubertelli, isang mananaliksik at siyentipiko sa Italya.
Ipinaliwanag niya kung bakit mahalaga na dalawang beses isasagawa ang pagtuturok ng bakuna. Ang una ay para magdulot ng spike ng anti-bodies na lalaban sa virus at ang pangalawa ay magpapatibay ng presensya nito sa katawan ng tao.
Ang nabakunahan ay maaring makaramdam ng pamamanhid at pananakit ng laman nguni’t ito ay reaksyon lamang ng katawan, ayon sa Doktora. Nilinaw din sa talakayan na di gawa ng tao ang virus.
Sa kasalukuyan ay may 3 tipo nito, ito ang English Variant, South African at Brazillian.
Ang programa ay inilunsad ng Task Force Covid19 sa pamumuno ni Ginang Nonieta Adena na Bise Presidente din ng Ofw Watch Italy.
Comments