top of page
Writer's picturediasporanas

BAYONG ITALIA, Tampok sa Festa dei Popoli sa Treviso

ng: DIASPORA news and Stories



FESTA DEI POPOLI SA TREVISO, TAMPOK ANG KULTURA AT PRODUKTONG PILIPINO


Isang maliit na Comune o bayan ang Castello di Godego sa probinsya ng Treviso, sakop ng rehiyon ng Veneto dito sa Italya. Makaraan ang dalawang taong pagkahinto ng taunang selebrasyon nila ng Festa Dei Popoli, naiselebra itong muli nitong ika-23 ng Hulyo, 2022, kasama ang iba’t ibang grupo ng migrante na naninirahan dito maging mula sa kalapit na lugar.


Sa gitna ng pagdiriwang ay tampok ang BAHAY KUBO booth na inilaan sa BAYONG ITALIA, ang ipinakikilalang produkto ng masipag at batam-batang entrepreneur na si NOVA SUYOM . Sa loob ng kanyang booth ay makikita ang iba’t ibang disenyo ng bayong at bag na yari sa mga materyales na lokal sa Pilipinas. Ang mga bayong ay hinangaan ng mga nagsitungo sa Festa dahil sa taglay nitong kakaibang ganda at yari na maipapantay sa mga bag na yari dito sa Italya.




Tampok din sa kanyang booth ang mga kakaning-Pinoy gaya ng puto, sumang balinghoy, pichi-pichi at biko na libre ang patikim sa mga nagsidalo. May mga kasama ding nakasuot ng Filipiniana attire at Barong Tagalog, sina Roselle Paradero ng Treviso, Cris Cocjin at mag-asawang Gene at Dittz De Jesus ng Bologna.


Ang ibang mga booth naman ay may mga produkto din ng kanilang nasyon , may mga pagkain ding luto nila at ipinagbibili. May mga nagbahagi rin ng mga kultural na pagtatanghal.



Isang matagumpay na pagdiriwang ang naganap kung saan ay nagkasama-sama ang iba’t ibang lahi at nakapagbahagi ng kani-kanilang kultura at tradisyon. Nagtapos ang gabi sa pag-awit ng Bella Ciao ng bisitang banda, kasabay ang pagsasayaw ng mga bata at matatanda.


69 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page