top of page
  • Writer's picturediasporanas

HALALAN SA MODENA

ORTEGA, AARANGKADA NA?


 Matunog na usapan ngayon sa buong Filipino Community ng Modena, ang planong pagdeklara ni Aldren Ortega bilang kandidato sa pagka-konsehal ng bayan ng Modena sa darating na eleksyon, sa ika -8 at ika-9 ng Hunyo 2024.

        Si Ortega ay dating Presidente ng Mabini Hometown Association of Modena at kasalukyang Community Consultant ng Federazione Associazione FIlippine di Modena o FEDAFILMO. Miyembro din siya ng Knights of Rizal Modena, Modena Italy Eagles Club at kilalang Youth Advocate. Isa rin si Ortega sa naging promoter ng 1st National Youth Summit na inorganisa ng OFW WATCH ITALY.

         Inaasahang dadagsain ng mga Pinoy ang kanyang kick-off rally sa darating na Linggo, ika-14 ng Abril 2024 , mula alas -5 ng hapon, sa Via Canaletto Sud 88, 2024 , na dadaluhan ng Pinuno o Segretaria ng Partito Democratico o PD na si Ms. Federica Venturelli at ng kandidato sa pagka-alkalde ng Centro Sinistra na si MASSIMO MEZZETTI.




Ayon kay Ortega, panahon na para muling magkaroon ng representasyon ang mga Italo-Migrants sa konseho ng Modena. Kaya patuloy ang imbitasyon niya sa lahat na dumalo ngayong Linggo para sama-samang UMARANGKADA SA MODENA!


113 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page