top of page
Writer's picturediasporanas

DOKUMENTASYON, ASISTENSA AT IBA PA....

DOKUMENTASYON, ASISTENSA AT IBA PA.....ISANGGUNI KAY DOTTORE RODRIGO


Ni: Dittz Centeno-De Jesus



Dito sa Italya, kapag ang isang Pilipinong kabataan ay nakapagtapos ng anumang kurso sa unibersidad, nagkakaroon ng malaking tsansa na makapagtrabaho sa mga kumpanyang pag-aari ng mga Italyano, o kaya ay sa serbisyong-gobyerno o kaya naman ay mapasok ang mundo ng pagkakaroon ng sariling kumpanya o negosyo. Isa sa dahilan ay ang pagiging bihasa sa wikang Italyano at pagiging maalam sa kultura at sa batas maging sa pamumuhay at pakikisalamuha sa komunidad ng mga Italyano, ibang migrante at mga kababayang narito sa Italya.

Isang Pilipinong tatlumpung-taong gulang ang nagtapos dito sa Italya ng Diploma di Ragioneria sa ITC Vittorio Emanuele II sa Bergamo at Doctorate/Laurea Magistrale in Law sa Universita degli Studi di Bergamo, ang kasalukuyang nasa Pilipinas at duon nagtayo ng kanyang sariling Patronato upang makapaglingkod sa mga kababayang nangangailangan ng tulong-legal at mga dokumentasyong kailangan nila sa Italya. Sinimulan niya ang aktuwal na praktika noong Hulyo, 2017. Siya ay si GLYNDEL SALAC RODRIGO, na isinilang noong ika-9 ng Setyembre, 1991 sa Palermo, Italya. Ang kanyang mga magulang ay sina OSCAR RODRIGO at ang namayapa nang si SEGUNDINA SALAC (+).


Ano nga ba nagbunsod sa kanya upang sa Pilipinas magserbisyo?

Ayon sa kanya, buhat nang siya ay makapagtapos, ninais na talaga niya na tumulong sa mga kababayan dahil nakita niya ang hirap ng mga ito sa pag-aasikaso ng mga dokumento lalo at hindi gaanong nakakaintindi o nakakapagsalita ng wikang Italyano. Kaya nang umuwi siya ng Pilipinas, napagpasiyahan niyang magbukas ng sariling CAF (Centro di Assistenza Fiscale)/Patronato Travel Agency upang makatulong sa mga kababayang kailangan ang serbisyo ukol sa pagsasaayos ng mga dokumento na kinakailangan o rekisitos sa Italya. Ito ay dahil sa alam niya na napakahirap ipagkatiwala sa iba o kaya naman ay walang kaanak na may kakayahan na lakarin ang mga dokumento. Taong 2018 nang subukan niyang isagawa ito at buwan ng Pebrero, 2020 nang pormal na niya itong itinatag.


Ano naman ang mga problemang kinaharap niya sa kanyang pagsisimula?

Bagama’t naisasagawa naman niya ang mga dokumentasyon at paglakad ayon sa mga proseso, nagiging alalahanin niya ang kadalasan na pagkaantala ng pagsasaayos nito, bagay na minsan ay di maintindihan ng mga kababayan dahil karamihan ay sanay sa mabilisang transaksiyon. Ipinapaunawa na lamang niya na may mga pagkakataon na mabagal ang serbisyo sa ilang ahensiya ng gobyerno sa Pilipinas at natapat pa nga na may pandemiko na halos lahat ng opisina ay nagsipagsara o may restriksiyon sa paglabas.


Ano ba ang mga pangunahing pangangailangan ng mga kababayan na nasa Pilipinas o Italya ukol sa kanilang mga dokumento?



Ang mga pangunahing dokumento ay ang Birth Certificate, Marriage Certificate at NBI Clearance para sa Cittadinanza o pagkuha ng Italian Citizenship. Ang Certificate of Family Composition naman ay para makakuha ng Codice Fiscale ang mga anak at asawa na nasa Pilipinas. Para naman sa request na petition upang makapunta ang kaanak sa Italya, nakakatulong siya sa paghahanda ng mga dokumento para sa aplikasyon ng visa sa Italian Embassy. At nitong panahon ng pandemya, kung saan marami sa mga nagsipagbakasyon ay di nakabalik agad sa Italya dahil sa travel restriction at inabutan ng ekspirasyon ng soggiorno, nakatulong siya sa mga ito para makakuha ng re-entry visa at makabalik. At maging ang mga nagtagal na sa Pilipinas ng ilang taon at di nakabalik sa Italya ay natulungan din niyang maisaayos pa ang mga dokumento at makakuha ng re-entry visa.

Nag-aasikaso din siya ng pagkuha ng Barangay and Municipal certificate para sa pensione at invalidita, correction ng data sa birth certificate at marriage contract, pag-apply ng tourist Schengen visa at unmarried couple visa.


Sa ngayon, sa pamamagitan muna ng online operation siya naglilingkod dahil isinara pansamantala ang kaniyang opisina sa Makati City dahil sa lockdown at sunod-sunod na pagbabago ng restriksiyon sa Pilipinas. Pero, nasa pagpaplano niya ang magkaroon ng mga prangkisa ang kanyang ahensiya sa iba’t ibang pangunahing lunsod sa Pilipinas at maging dito sa Italya at iba pang panig ng mundo.


Si Dottore Glyndel Salac Rodrigo, ay pabalik-balik pa rin naman sa Milan para magbakasyon at bisitahin ang kanyang ama at mga kaanak duon. Para sa mabilisang komunikasyon upang makatugon sa mga pangangailangan ng mga kababayan, ang kanyang Facebook account ay DOTT RODRIGO GIRAMONDO. Maaaring mag-email sa g.rodrigo@giramondosolutions.com . Ang kanyang website ay www.giramondosolutions.com . Ang Facebook page ay Giramondo Solutions Tour Agency, na isang travel and business consulting company.


Ang serbisyong may kahalong tapat na adbokasiya ay laging pinagkakatiwalaan ng masa.




593 views0 comments

Comments


bottom of page