top of page
Writer's picturediasporanas

ESTASYON NG KRUS, GINANAP SA BOLOGNA

Ni: Dittz Cent



Ang ESTASYON NG KRUS o VIA CRUCIS, ay isang tradisyong panrelihiyon ng mga Katoliko kung saan ay isinasagawa nila ang serye ng istasyon ng pagdadalamhati sa buhay ng Panginoong Hesukristo mula sa pagkadakip at pagkahatol sa kanya ng kamatayan hanggang sa kanyang pagkalibing.










Nitong Sabado Santo, ika-16 ng Abril, 2022, ay magkasanib na idinaos ng komunidad ng mga Kristiyanong Pilipino mula sa Modena at sa Bologna ang isang Via Crucis. Sama-sama nilang inakyat ang daan patungo sa Basilica di Virgen Maria di San Luca, ang pamosong simbahan na nakatayo sa tuktok ng gulod. Pagdating sa itaas na kinaroronan ng simbahan ay kanila nang pinasimulan ang unang estasyon hanggang sa matapos ang ika-labing-apat nang estasyon sa loob ng simbahan. Hali-halili ang mga taga-Modena at Bologna sa pagbasa ng kaukulang istasyon, ebanghelyo at ang pagninilay. Matapos ang via crucis, masaya silang bumaba nang may taglay pa ring sigla at purong pananampalataya na didinggin ng Diyos ang kanilang mga panalangin at kahilingan.




Ang banal na gawaing ito ay pinangunahan ni Father VALENTINO PINLAC, ang Chaplain ng Filipino Communities ng Modena at Bologna. Sina VIRGILIO CESARIO NG Catholic Filipino Community Of Bologna (CFCB) at LEO HERNANDEZ naman ng Modena ang mga coordinators.



51 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page