BAGONG PAMUNUAN NG FEDFAB at ang ika-15 ANIBERSARYO NITO
Kamakailan lamang ay nagkaroon na ng halalan sa Bologna, ang Federation of Filipino Associations o FEDFAB, matapos ang limang taong paglilingkod ng Pangulong si VIRGILIO CESARIO at ng buong pamunuan nito. Para sa kaalaman ng lahat, maraming mga organisasyong Pilipino ang natigil nang halos dalawang taon ang mga programa at aktibidad dahil sa pandemyang COVID 19. Kaya isang masiglang halalan ang ginanap na nga nitong ika-25 ng Abril, 2023 kasabay ng pagdiriwang na rin ng ika- 15 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng FEDFAB.
Ang halalan at programa ay ginanap sa Pontevecchio Polisportivo sa via Carlo Carli 56, Bologna.
Ang mga nahalal na bagong opisyal ay sina: MERCEDITA DE JESUS, pangulo; JULITO GARCIA, pangalawang pangulo; LIOBA FE GANGAOEN, kalihim; REYNALDO TONELADA, ingat-yaman; Pastor HECTOR GUERRERO, taga-suri; at NOMER AHUMADA, JR. , tagapagbalita.
Ang iba pang itinalagang mga opisyal ay sina: JOCELYN VILLANUEVA at GLORIA CARIAZO, bilang katuwang na kalihim; CONCHITA TORTE at ELESITA MARQUEZ, bilang katuwang na ingat-yaman; ROLANDO BAYUGA at LYDABETH PINTOR, bilang katuwang na tagasuri, at sina MARIVIC GALVE at GENEROSO DE JESUS, mga katuwang na tagapagbalita.
Ang dating pangulong si VIRGILIO CESARIO ay kabilang na sa mga tagapayong sina: LEO DE JESUS, JOSE AVENIDO, MARIO GARCIA, AURELIO GALAMAY at BRO. MANUEL SORIANO. Itinalaga din siya bilang kinatawan ng FEDFAB sa mga usaping integrasyon sa Comune ng Bologna at iba pang samahan ng mga migrante.
Matapos ang naganap na halalan ay sumunod ang isang maikling programa na dinaluhan ng mga kababayan sa Bologna at doon ay inanunsyo ang mga nakaplanong gawain katuwang ang mga iba pang organisasyon, gaya ng Santakrusan sa buwan ng Mayo at ang pagdiriwang ng ika-125 selebrasyon ng kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 4.
Matatandaang may bagong opisina na ang FEDFAB na matatagpuan sa IL TRENO DELLA BARCA, via Leonardo da Vinci 34/A. Ito na ang magiging sentro ng komunikasyon at aktibidad ng komunidad ng mga Pilipino sa Bologna.
Ulat ng: FEDFAB Page and Infocom
Comments