top of page
Writer's picturediasporanas

MABUHAY....OFW WATCH ITALY!


OFW WATCH ITALY….PATUNGO SA MAS MALAWAK NA PAGLILINGKOD


Naging matagumpay ang idinaos na Ikatlong Kongreso ng OFW WATCH ITALY na idinaos nitong ika-24 hanggang ika-25 ng Hulyo, 2021 at ginanap sa Hotel Open 011 sa Corso Venezia 11 sa Torino. Sa taong ito ay ang ACFIL-PIEMONTE ang nag-asikaso mula sa prenotasyon sa hotel, sa mga pangunahing hakbang ng pakikipag-ugnayan sa mga miyembrong organisasyon, sa pag-imbita sa mga panauhing tagapagsalita , pamamahala sa kabuuan ng programa, hanggang sa pag-asiste sa mga miyembro sa kanilang pagdating at sa pamamasyal pagkatapos ng kongreso at pagpapadala ng baong pagkain sa kanilang pagbibiyahe pabalik sa kani-kanilang siyudad at probinsiya. Ang lahat ng ito ay nagampanan ng ACFIL sa pamumuno ni ROSALIE BAJADE, katuwang sina ETHEL ROBLES, EMY BALDOS, MYRA DAEL, CARMELITA BAYLON, pinuno ng kabataan na si PATRICK SALAZAR pati na ang iba pang miyembro ng kanilang organisasyon.

Naglaan din ng kani-kanilang tulong ang Filipino Women’s Association ng Biella sa pamumuno ni TESSIE BAUTISTA, ang OFW Watch Sicily, pati na ang mga isponsor gaya ng VISTA LAND International Marketing , ang AFFRESCO Events Group at Vetreria Etrusca.

Ang naging tema naman ng Kongreso ay “Our Role for the Promotion and Protection of the Rights and Welfare of the Filipino Migrants”. Ang mga siyudad at probinsiya na nagpadala ng kanilang delegasyon ay ang mga sumusunod: Turin, Biella, Milan, Genova, Treviso, Varese, Padova, Bassano del Grappa, Modena, Bologna, Ferrara, Florence, Empoli, Montecatini, Pistoia, Roma, Cagliari, Napoli, Salerno, Cosenza, Reggio Calabria, Messina at Catania.

Ang mga naging guro ng palatuntunan ng Sabado na sina CHRISTINE CABRAL at JOHN REYES ang nagpasigla sa nilalaman ng programa gaya ng pagpapakilala ni FREDIEMOR PURIFICACION sa mga delegasyon ng mga nakarating , pati sa deliberasyon at aprobasyon ng inamyenda sa Konstitusyon kung saan ay si NONIETA ADENA ang moderator. Naging mabilis din ang naging nominasyon ng mga kandidato para sa bubuo ng bagong EXECOM, at nauwi na rin sa diretsong halalan sa pagpapasiya na rin ng COMELEC Chairman na si NERISSA TEJADA.

Naging magandang bahagi din ng palatuntunan ng Sabado ang pagpapahayag ng mga naisagawang mga programa at adbokasiya ng Alyansa na pinagtulungang pinaliwanag nila RHODERICK OPLE at MERCEDITA DE JESUS sa pamamagitan ng powerpoint presentation.

Matapos ang programa ay itinuloy pa rin ang masiglang kuwentuhan sa kani-kanilang kuwarto pati na rin sa hardin ng hotel, isang bagay na kinasabikang gawin ng magkakaibigan dahil sa matagal na di pagkikita-kita dulot ng restriksiyon ng pandemya.

Kinabukasan, araw ng Linggo, sina QUINTIN CAVITE, JR. at MARIVIC GALVE naman ang mga naging guro ng palatuntunan. Dito iprinoklama na ang mga bagong halal na opisyal, sina: RHODERICK OPLE bilang pangulo, APOLINARIO BALTAZAR at RODEL DE CHAVEZ, mga pangalawang pangulo, MERCEDITA DE JESUS bilang kalihim, FREDIEMOR PURIFICACION bilang ingat-yaman at MIRIAM MACABEO, tagasuri. Nanatili naman bilang kalihim-deputado si CHRISTINE CABRAL. Si ASSESSORE MARCO ALESSANDRO GIUSTA ng Comune ng Torino ang nanguna sa kanilang panunumpa sa panunungkulan. Kasama na rin sa BOARD OF TRUSTEES , ang iba pang mga nagsipagtatag na gaya nila AGLIBERTO AQUINO, DIONISIO ADARLO, EDWIN BIGCAS at AURELIO GALAMAY, pati na rin ang mga mamamahala sa mga programa ng Alyansa.

Nakapaloob din sa palatuntunan ang pagpapakilala sa tatlong mahahalagang programa ng OFW WATCH Italy: ang TASK FORCE sa pamumuno ni NONIETA ADENA, ang Special Projects na pangangasiwaan ni MELY OPLE at ang Media, Communication and Publication na si MERCEDITA DE JESUS naman ang may responsibilidad. Muling ipinakilala din ang DIASPORA News and Stories, kasama sina Dittz De Jesus bilang editor-in-Chief, Rhod Ople bilang Editorial Director, Kentz Cavite bilang Managing Editor at CHIARA BAJET bilang Senior Editor, kasama ang iba pang manunulat . Ang DNS ay may Facebook page, news website na isinasaayos ni MHEA VILLACARLOS at You tube account para sa mga pagbabalita. Sina KENTZ CAVITE, JR. at CHRISTINE CABRAL ang mga pangunahing tagapagbalita, kasama rin si JEFF ELLA bilang videographics editor. Ang mga reporter naman ay kinabibilangan nila ALDREN ORTEGA, PAOLA SULIT, FELIZA URI at KING AGUINALDO. Kasama rin sina ATTY. PAUL SOMBILLA at BETH BATHAN para sa bahagi na Itanong mo kay Attorney.

Nagkaroon din ng kampanya para sa Overseas Absentee Voting Registration sa pamamagitan nila 1SAMBAYAN Convenors GENE at Dittz De Jesus, na nagpaalala na magparehistro na hanggang sa pagtatapos nito sa ika-30 ng Setyembre, 2021.

Nagpahayag naman ng mga pagbati sa pamamagitan ng video sina ALESSANDRO MILANI ng Philippine Italian Association, POLO Milan Labor Attache CORINA PADILLA-BUNAG, ATTY. PAUL SOMBILLA at Adviser MINDA TEVES. Binasa naman ng emcee ang sulat ng pagbati nila CARMELITA NUQUI ng Philippine Migrants Right Watch at Philippine Embassy Consul General DONNA CELESTE FELICIANO-GATMAYTAN . Nagpaabot din ng pagbati ang Ako ay Pilipino Editor-in Chief na si PIA ABUCAY, ang RIGHTS CORRIDOR at si Honorary Consul MARIA GRAZIA CAVALLO ng Torino. Nagpahayag din ng pakikiisa at suporta ang nagsidating na bumubuo ng VOLUNTEERS Group ng Milan.

Naging masaya din ang lahat sa ipinamalas na presentasyon ng taga-OFW Watch Sicily na si ORLANDO “SHARON’ SEBASTIAN sa kanyang nakatutuwang interpretasyon ng awiting Shine, pati na rin ang katutubong sayaw na kasama naman niya sina Nonieta Adena, Miriam Macabeo at Ghie Dela Cruz.

Nakatanggap din ng plaque of appreciation ang mga miyembro ng National Council bilang pagpapahalaga sa kanilang suporta , partisipasyon at paglilingkod.


Ang General Program of Action ng OFW WATCH ITALY ay maliwanag na ipinahayag ng muling nahalal na pangulo, si RHODERICK OPLE, at iyon ang sisikaping isakatuparan para sa higit pang promosyon at proteksiyon sa karapatan at kagalingan ng bawat Pilipino dito sa Italya.


Ni: DITTZ CENTENO-DE JESUS








133 views0 comments

Comments


bottom of page