top of page
Writer's pictureDEMETRIO RAFANAN

MGA SIKLISTANG PILIPINO SA ROMA

Updated: May 16, 2021

(Ang Kasaysayan)

Isinulat ni: DEMETRIO RAFANAN

Litrato: Jimpee Palagud

Ano ang mga ilan sa maaaring libangan, palipasan ng oras at gawaing pang-alis ng stress ng mga manggagawang Pilipino dito sa italya noong mga bagong salta pa lamang sila dito noong dekada 80? Ang mga pinaka-popular ayun sa mga kwento ng mga naunang kababayan natin na dumating dito ay ang maglagi sa mga parko upang magkwentuhan at maglaro ng baraha. May nagsabi pa nga na pati kara-krus ay ginagawa rin nila noon kapag sila ay nagdi-day off. Wika nga ay kahit na anong bagay na nakapagbibigay sa kanila ng kasiyahan na nagiging dahilan na malimutan kahit man lamang saglit ang pananabik sa mga naiwanan sa ating bayan.

Dekada 90 nang ang baseball, bowling, basketball at volleyball ay nagsimulang maging mga libangan ng mga ilang Pilipino dito sa Roma. May mga asosasyong pampalakasan na natatag ang mga Pilipino na nagsimulang mag-organisa ng mga torneo. Sa mga panahon na rin na ito nag-usbungan ang mga iba’t ibang organisasyon at mga komunidad ng mga Pilipino sa makasaysayang siyudad ng libong-simbahan na tinatawag na “Roma Caput Mundi”. Sa dekada na ring ito nagsimulang dumami nang biglaan ang mga Pilipino sa italya dahilan sa maaari nang mag-petIsyon ng mga anak at asawa na nasa Pilipinas.

Nang dumating ang taong 2000, naging tanyag ang isang komunidad ng mga Pilipino sa EUR, Ang Pag-ibig Hesus Filipino Community / Saints Peter and Paul Filipino Community , dahil sa mga isinasagawa nitong mga maayos na torneo sa larangan ng basketball at volleyball. Dito na rin nagsimulang makita ang mga naka-bisIkletang Pilipino na nanonood sa bawat laro ng mga koponan. Sila ay sina FELIX CELESTE, JR.,dating siklista ng Marlboro Tour of Luzon, VICTORIO "BOY" NATAVIO at VICTOR SALUDEZ , na nagsimulang maglakbay sa mga lansangan at kalsada ng Roma, gayun na rin sa mga kalsada ng mga kalapit-bayan na nakapaloob sa rehiyon ng Lazio. Sa mga taon na ito nagsimulang mabuo ang grupo ng mga siklistang Pilipino.

Naging napakagandang tingnan ang grupo ng mga Pilipinong siklista na ang kulay ng kanilang cycling jersey ay parang bandila ng Pilipinas. HAGIBIS ang pangalan ng grupo ng mga siklistang pilipino na itinatag nina Victorio "boy" Natavio, Victor Saludez at Felix Celeste Jr. , kasama si Rodrigo Malabrigo at iba pang mga “pioneers” na mga siklistang Pilipino ng Roma. Ang HAGIBIS ay isang grupo na di pa autonomo ang estado dahil ito ay sangay lang ng AS FIL Roma na isang asosasyon-pampalakasan na maraming larong napakaloob na ginagawa tulad ng bowling, darts at marami pang iba. Kaya paglipas ng panahon ay nagdesisyon ang karamihan na mga kasapi dito, sa pamumuno pa rin nina Victorio, Victor at Felix , mga pangunahing siklistang Pilipino na tinatawag na Ponte Milvio Boys, na itayo ang Filipino Cylists Of Rome (FCR) na ang mga meyembro nito ay nagtayo rin ng mga kani-kaniyang grupo paglipas ng panahon.

Sa kasalukuyan, ang mga siklistang Pilipino sa Roma ay nakapaloob sa maraming mga asosasyon tulad ng grupo ni Eric De Jesus na Filipino Runners Bikers Roma, Pinoy MTB Enthusiast Roma at Pi.MER na kinabibilangan nina Vlogger Penny, Jarex Briones at Turistang Mangyan.

Sa ngayon, ang mga grupo ng mga siklistang Pilipino na pumapadyak at nagkakasayahan sa mga kalsada at lansangan, sa kabukiran at kabundukan ng Roma, pati narin sa mga ibang bayan ng rehiyong Lazio ay ang mga sumusunod:

WERPAX

Admin: Regie Castillo

Coordinator: Macario Aguillon

Members: 22

Founded: January 28, 2018

Founding Admin: Allen Castillo

ILOCOS UNITED BIKERS

President: Arnel Tagelo

Members: 28

Founded: July 15, 2018

Founder: George Corpuz

Pi.MER - (PINOY MTB ENTHUSIASTS ROMA)

Admin : Gilberto Aquino

Admin : Jayson Mendoza Geron a.k.aTuristang Mangyan

Moderator : Jimpee Palagud

Members : 45

Founded : May 12 , 2020

Founding Admin : Jarex Briones

UDC- UNITED DISTANCE CYCLISTS

Capitano: Felix Celeste

Secretary: Eric Sebastian

Members: 25

Founded: Nov. 25, 2015

Founder: Bobby Pilotin

Teodulo Rodrigo

Founding Admin: Gene Basilio

Advisers: Boy Natavio

Boy Recto

Ted Delos Reyes

Ang iba pang mga maliliit na grupo na karamihang mga miyembro ay nakapaloob din sa mga nabanggit na malalaking grupo ay mayroong magandang ugnayan sa bawat siklistang Pilipino sa Roma. Laging naipapakita ang pagkakaisang ito kapag mayroong isinasagawang paglalakbay o pagpedal para sa paglilikom ng pondo upang pantulong sa mga nangangailangan, sa Pilipinas man o kahit mismo sa Roma.




117 views0 comments

Comments


bottom of page