top of page
Writer's picturediasporanas

PALAISIPAN

NI: Ibarra Banaag

Hunyo 4, 2022




Ako ay inyong tulungan

Na pakalimiin mabuti ,

Laman ng aking isipan

Mahagilap kasagutan.

Kapag mataas ang sukat

Ng inyong blood sugar

Ibig sabihin nito baga,

Ako'y tunay mapagmahal?

Blood pressure na tumaas,

Sukdang puso ay hikahos,

Tila kay hirap na mataros,

Si kupido ay kumakatok ?


Kung ang palad nangangati,

Darating na ba ang swerti,

O isang matinding allergi,

Bunga ng nakain kagabi?

Aba at baywang ay lumapad,

Pihadong pagkain di natakal,

Sa malalim na kasabihan,

Naglagi daw sa paminggalan?


Kapag tuhod ay nangangalog,

Ako ba'y sa utang ay lubog,

O napasobrahan sa bolalo,

Kung maupo parang tungko?

Paningin ay namamandaw,

Na tulad ng isang kalabaw,

Sa magagandang binibini,

Talipndas man o nahinhin?

Teka at yumaman na kaya,

Itong ugatin na binti't paa,

Nanginginig yaring kamay

Sa kudkod ay umantabay?

Ano nga ba't tila nangayayat,

Ang iba ay gustong pumayat,

Sa kabiyak nangunsimisyon,

Kaya lumuwag ang sinturon?


Itong boses ay namamaos,

Sa ice cream na di maubos,

O kailangan nang tanggapin,

Kabilang na sa mga laos?

Alzheimer kung di mahagilap,

Mga araw na sa 'tin nagdaan,

Tanging aking natatandaan,

Sa alaala ikaw ay nanahan?



1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page