top of page
  • Writer's pictureDittz De Jesus

PANG-AAGAW NG BAG, LAGANAP NA NAMAN



Dobleng pag-iingat po ang ating panawagan sa mga kababayan dito sa Italya...mas maging alerto po tayo sa paligid dahil may mga snatcher na nagkalat at bumibiktima sa mga nag-aabang na solo sa fermata o naglalakad sa mga iskinita. Isang ginang, 69 taong gulang, na habang nag-aabang sa Fermata Putti sa via Luca Ghini sa Bologna, ang tinangkang agawan ng bag ng isang

isnatser, nitong Lunes ng hapon, Agosto 1, 2022. Nadala siya sa pronto soccorso ng Santa Orsola Hospital dahil sa mga gasgas sa tuhod at braso bunga ng pagkadapa dahil sa marahas na pakikipag-agawan ng isnatser sa kanyang bag. Nangyari ito di -kalayuan sa bahay ng employer niya kaya nakahingi siya agad ng saklolo sa mga ito para makatawag ng pulis at ambulansya para madala siya sa hospital. Salamat sa tapang ng loob at presence of mind ng ginang at hindi nagtagumpay na maagaw ang kanyang bag at tumakbong patakas ang isnatser. Sa ngayon ay nalapatan na ng pangunahing lunas ang biktima at sumailalim na sa medikal na pagsusuri upang alamin pa kung may iba pang pinsalang natamo sa katawan.

INGAT PO TAYO MGA KABABAYAN.

8 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page