top of page
  • Writer's picturediasporanas

PARA KAY NANAY

PARA SA MALIGAYANG ARAW NG MGA INA



Ni: MaDittz


Madalas kong pakaisipin

Saang bahagi ng paninimdim

Ang ulila na sa Inang di kapiling

Ang buhay ay sadya nang kaydilim.


May mga gabing luha ay nangingilid

Pilit binabalikan alaalang nakapinid

Mga yakap at halik na di tinipid

Laging hanap ng pusong sa lungkot tigib.


Nasaan ka man ngayon, aming NANAY

Mga pangaral mo lagi naming gabay

Ibinilin sa amin na dapat ding ibigay

Sa mga supling at apo, may lambing na alay.


Sa araw ng mga INA, lagi kang dinadakila

Init ng pagmamahal, pangarap muling madama

Subali’t ngayong ikaw ay payapa na

Tanging alaala ang lumipas na ligaya.


Ako ngayon ay isang INA rin

Sinisikap na ikaw ay tularan din

Maging laging ilaw ng tahanan namin

Na di hahayaang maging madilim.


Salamat, NANAY, salamat

Pagpupugay ay nararapat

Ikaw ay walang katapat

Pag-ibig ay di masusukat.




18 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page