top of page
  • Writer's pictureDittz De Jesus

Para sa mga Kababaihan

Para sa mga kababaihan

Ni: Ibarra Banaag




Sa araw na ito


Halina at makiisang baguhin

Tema't laman ng talumpati

Sigaw at mga panawagan

Kababaihang nagpupunyagi.


Di na sasapat ang paggunita

At hungkag na mga pagkilala

Ng mga gawang plake at tula

Kung nakukulapulan ng mantsa.


Tama na ang awitin at sayaw

Selebrasyong pulos paimbabaw

Kung ang balita sa araw-araw

Ay mga babaeng nilalapastangan


'Wag gamitin ang pekeng parangal

'Pag galing sa mga walang dangal

Na turing sa kanila ay isang bagay

O puntod na taunang dinadalaw


Ang paggunita ay pagsasabuhay

Ng bawat hiningang nagsipag-alay

Kumasa at nagbigay ng bigwas

Sa sakmal ng kadena ay kumalas.


Ang lalim at diwa ay matatanto

Kung umalpas na sa lugmok

O humupa na ang pag-aalimpuyo

Kababaihang dapat ginagalang.


Ibarra Banaag

40 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page