top of page
Writer's picturediasporanas

PITONG TAON NA ANG OFW WATCH ITALY

Updated: Nov 28, 2021


PITONG TAON NA ANG OFW WATCH ITALY

Pitong taong pakikiisa sa laban ng mga OFW. Pitong taong puno ng kabuluhan at kasaysayan

Ipinagdiwang ng pambansang alyansa ng mga organisasyon ang ikapitong anibersaryo nito, Nobyembre 28,2021 ( virtual celebration ) bilang isa sa pinakamalawak at makamanggagawang samahan ng boluntaryato sa Italya.


Sinariwa sa naganap na kumustahan ang simulain, mga pakikibaka at mga tagumpay mula nang maitatag ito noong Nobyembre 30, 2014 sa syudad ng Modena. Nagsimula sa limang syudad ang ngayon ay nakaugat na sa mahahalagang samahan sa buong Italya. Mula Hilaga hanggang Timog ay nakapagpalitaw ng mga makabayan at matatapat na lider na handang magserbisyo sa kinabibilangang sektor.


Tampok sa napagkaisahan ang pagtutol at paglaban sa usapin ng pribatisasyon at komersyalisasyon ng serbisyo publiko. Kamakailan lamang ay pumasok ang DFA sa isang kontrata na ang pagpapanibago ng pasaporte ay gagawin na ng pribadong sektor. Bagama't maaaring mamili ang mga kliyente, kumakapit sa patalim ang mga OFW dahil hindi kompetitibo at mabagal ang sistema ng Embahada kumpara sa PaRCs.


Bukod sa napakataas at di makatwirang singil, hindi sang-ayon ang OFW WATCH ITALY na malantad sa pribadong ahensya ang mga impormasyon na makikita sa pasaporto. Walang konsultasyon, at sa halip na magdagdag ng staff, maglunsad ng Consular Mobile Outreach, tumanggap ng walk-in ang tanggapan, pakilusin ang mga Honorary Consulate sa mga rehiyon para makatulong - ipinasa ng DFA ang lahat ng bigat sa tinaguriang Bagong Bayani.


Malinaw ang resolusyon na tutulan din ito sa Hilaga kung sakaling ipilit ito ng Kagawaran at Konsulato. Magsusuportahan ang mga organisasyon na nakapailalim sa hurisdikyon ng Roma at Milano para biguin ang anti-manggagawa na polisiya at patakaran.


Patuloy na magbibigay ang Ofw Watch Italy, mga Tsapter, kasaping Pederasyon at Asosasyon, ng mahahalagang balita at impormasyon, mangunguna sa pagtatanggol ng karapatan at magsusulong ng kagalingan para sa kapakinabangan ng pamilya at mga manggagawa sa Italya.


# Remove PaRCs!

#Say No to PaRCs!

#Serbisyo hindi Negosyo!

#Itigil ang Pribatisasyon at Komersyalisasyon ng Serbisyo Publiko!


Mabuhay ang Ofw Watch Italy!

Mabuhay ang mga Manggawa sa buong Mundo!


Ofw Watch Italy






19 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page