top of page
Writer's picturediasporanas

SA NGALAN NG IMORTALIDAD - INA

Sa Ngalan ng Imortalidad -Ina


Sadya, mahaba ang buhay ng mga babae,

Marahil dahil sisidlan ng dangal at binhi,

Tahanan ng nabubuong hininga at buhay,

Duyan ng natutulog na bunso o panganay.


Buong tikas na kalong-kalong ang bigat,

Salo ng yaring balakang ang manas-balat,

Pinagpala ng bahay-bata at talimpusod,

Nagkakanlong sa kumikislot na sandugo.


Sakaling pumulandit itong sanggalang-tubig,

Bugtong ng siyam na buwan panghaharana,

Tagos sa sinapupunan ng Inang nagbataris,

Buntong hininga ng matagumpay na pagtitiis.


At tinapos ng hilab at diliryo mga buwan.,

Tanging lukso ng dugo nagpakilala sa tanan,

Ang syensya ng pusong ginupit sa palahaw,

Bumangon kang taas ang noo sa karaniwan.


Sa kurlong na namamayani ang yabangan,

Babae ang namumukod tanging huwaran,

Sa likuran ng pinagpipitagang mga lalaki,

Isang Ina ang humuhulma ng mga bayani.


Ibarra Banaag

Mayo 12, 2021



4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page