SANTAKRUSAN , MULING NAIDAOS SA BOLOGNA
Ni: Dittz Centeno-De Jesus
Mga Kuha: Gyndee
Matapos ang dalawang taong hindi nakapagdaos ng Santakrusan ang komunidad ng mga Katoliko sa Bologna dahil sa pandemya ng COVID 19, muling naisagawa ito sa pangangasiwa ngayon ng Catholic Filipino Community in Bologna (CFCB). Katuwang pa rin ang El Shaddai DWXI PPFI-Bologna Chapter, Couples for Christ -Bologna, Missionaries Family of Christ-Bologna at ang Federation of Filipino Associations in Bologna (FEDFAB).
Ika-22 ng Mayo, 2022, ang napiling petsa para sa pagpapatuloy uli ng tradisyong ito. Ilang linggo bago dumating ang okasyon ay nagsimula nang magkumbinsi ng mga kadalagahan na gaganap sa iba’t ibang representasyon ng Birhen Maria bilang Reyna, gaganap na Reyna Elena at Emperatriz, mga batang babae bilang anghel at prinsesita at iba pang mga kababaihan na gaganap naman ng mga personaheng may kaugnayan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo noon sa Pilipinas.
Ang Santakrusan ay bahagi na ng tradisyong Pilipino na nakakawing sa Kristiyanismo. Base ito sa kasaysayan ng paghahanap noon ni Reyna Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo Hesus. Ipinakikilala din dito ang iba’t ibang bersiyon ng pagka-Reyna ng ating Mahal na Birheng Maria.
Bago nagsimula ang prusisyon sa ganap na alas-kuwatro ng hapon,ay nagkaroon muna ng selebrasyon ng misa sa Simbahan ng SAN BARTOLOME at SAN GAETANO, sa pangunguna ni FATHER VALENTINO PINLAC at kasama si MONSIGNOR STEFANO OTTANI. Pagkatapos nito ay ang pagpila na ng mga sagala at konsorte patungo sa Via Rizzoli at pabalik sa simbahan. Mayroong may dalang payong na ginayakan at mga arkong may palamuting mga bulaklak. Sa bandang huli ng prusisyon ay naroon ang Reyna Emperatriz, Reyna Elena at Constantino at saka pa lamang ang Imahe ng Birhen Maria, kasunod ang mga umaawit ng Ave Maria at nagdarasal ng Santo Rosaryo. Pagbalik sa simbahan ay nagkaroon din ng maikling seremonya ng pag-aalay ng mga bulaklak. Isa-isang inihandog ng mga sagala ang kanilang mga bulaklak sa Birheng Maria.
Narito ang mga partisipante sa naganap na Santakrusan:
Reyna Banderada – Rhailey Posadas
Reyna Mora – Jolibee Sto. Domingo
Reyna Fe – Aurea Shyaine Mendoza
Reyna Esperanza – Susan Vicente
Reyna Caridad – Cristy Rosales
Reyna Justicia – Skaila Sunga
Reyna Judith – Myra Lopez
Reyna Sheba – Aleli Manalang
Reyna Ester – Andrei Nicole Mendoza
Tres Marias – Angela Bermudez – Mother Mary
Grace Kyla Orno – Mary Mother of James
Isabell Longhi – Mary Magdalene
Reyna delas Estrellas – Greyshel Hillary Abustan
Rosa Mystica – Ibet Caballar
Reyna Paz - Bea Dawangon
Reyna delas Propetas – Cherlie Donato
Reyna del Cielo – Leighanna Paola San Diego
Reyna delas Virgines – Abegaile Pascua
Reyna delas Flores – Elyria Lorain Acunin
Reyna Emperatriz – Icelene Jurado
Reyna Elena – Zairene Sil-ay
Constantino- Gabriel Alexis Ursua
Mga Princesita – Bella Zarah Duyanen
Jhasmine Padilla
Michaela Millena
Kimmy Magbag
Mga Prinsipe – Macky Chase Posadas
Mack Asher Posadas
Ave Maria Girls – Youth for El Shaddai Girls
Angelica Ursua
Alyssa Villegas
Claudia Viloria
Cyrelle Ursua
Jessica Gagote
Sofia Dela Cruz
Valeria Cesario
Veronica Arellano
Mga Anghel – Lissandra Naron
Dennisen de Ocampo
Ara Pantoja
Olivia Pantoja
Angela Espina
Nga Konsorte – Bien Donato
Aaron Arellano
Giovanne Butuhan
Jan Mirko Geronimo
Paul Andrei Alvarez
Kurt Gethro Garnace
Ulat ni: Dittz Centeno-De Jesus
Mga Kuha: Gyndee Foto
Comments