top of page
IBARRA BANAAG

TO KILL AND COLLECT

Updated: May 3, 2021



To Kill and Collect

( To Serve and Protect dapat, di ba?)

Limot na ba ang ‘yong sinumpaan,

Bakit tila sinadyang ito’y talikdan,

Dahil ba sa pabuyang kabayaran,

Karapatang pantao niyuyurakan?

Sinayang ang ‘yong pinag-aralan,

Na buwis ng bayan pinanggalingan,

Simbaha’t loob ng mga tahanan,

Ano’t mga buhay ay pinapaslang.

Madalas kayo’y nasa pahayagan

Buong tapang na nagpapatayan.

Ngunit ni isa ay walang kumalaban

Nangangamkam ng ating karagatan?

Sangkot sa trafficking at kidnapping



Protektor ng druglord at smuggling.

Di ba dapat kayo’y nagpapatupad

Peace and order, para niyo nang habag!

Nasaan na ang inyong delikadesa

Wala na ba kayong mga konsensya?

Sa pagpatay ng walang mga sala,

Parang buwitreng nagkakandarapa.

Sa apat na taon niyo sa Akademya

Saan natutunan tanim-ebidensya?

Tutok-baril at todong intimidasyon,

Makakuha lamang ng promosyon.

Mga pulis kayo’y magdalawang isip,

Wag maging robot o busal ang bibig,



Hindi kalaban ang nagkakapit-bisig,

Hangad ang lipunan maging kaibig-ibig.

Samakatwid dapat ay mapagtatanto,

Kalapastanganan ay dapat mahinto,

Darating ang araw tao’y maniningil,

Sa lahat ng buhay na inyong sinikil!

Ibarra Banaag

Marso 30, 2021



6 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page